This is how we usually do our weekend breakfast- the Pamilyang OFW way.
![]()
Breakfast Pamilyang OFW style….with kiddos sharing their kwento with papa. While Papa Allan enjoying every moment of it…
Manila time : 10AM
Saudi time : 5AM
Syempre nasa kabisera pa din si Papa
(Kabisera seat – reserved for head of the family :Wink: )
Dati yan pero since wala kamin matinong Internet Connection sa ngayon hindi namin ulit magawa
Pamilyang OFW…yan ang tawag sa amin since April 2004. OFW po kasi ang hubby ko. He is currently working as Engineer sa malangis na bansa ng mga arabo. Ang hirap malayò sa ama ng tahanan huhuhuhu..lalo na pag close ang family ties. Di na sya tied-up sa contract nya dun parang regular employee na na he can leave anytime. kung kailan nya gusto. Nung una ang akala namin ay straight ang contract nya, pero God is so good, binigyan sya ng vacation ng bossing nya. Kababakasyon lang nya last December 2014 (40 days din yun parang padasal hehehe pero parang ang ikli). To date more than 10 years na din syamg OFW.At kahit paano ay totoong naging maalwan ang aming buhay, yun nga lamang talagang sakripisyo na magkakahiwalay kami.
.Maraming drama ang buhay ng isang pamilyang OFW, bumaha ng luha nung umalis si Allan, syempre courtesy of me and my Ishi. Para kaming timang 2 nun, di kami lumalabas ng room. Iyak kami ng iyak, may picture si Allan na parating pinapakita ni Ish sa baby brother icko nya. At may orasan kaming late ng 5 hours from the Philippine time yun kc ang oras ng Saudi. Malungkot talaga, mahirap mag adjust lalo na sa umpisa.
COMMUNICATION
1. Text Messages – lalo na ngayon na 1 pesos na lang ata ang roaming
2. Chikka
3. Email
4. FB with WebCam at Voice and Skype at iba pangsmartphone application
5. Phonecall
6. Snail Mail (di effective toh sa amin – 2 times akong nagsend ng mga pics namin di naman nakarating kay Allan)
Nung umalis si hubby mag sisix months pa lang si bunso, ang concern namin ni Allan is paano sya makikilala ni icko. Nung umalis sya wala pa kaming PC parehas nun, ang telephone line namin is Tele-sulit pa. Text-text lang kami, at salamat kay Mr. Chikka. (Sa totoo lang wala pa kasi kaming budget). Every Friday ng 7PM sa Pinas at 2PM sa Saudi nakaschedule kaming magchat mag-asawa. Ang hirap talaga kasi parehas kaming nagrerent lang sa computer rental. Katabi ko ang mga makukulit na batang nagcocounter-strike habang ako ay nag-eemote sa eksena. Bihira nya din makita ang mga bata kahit may webcam kasi nga nakiki-internet lang kami.
After 2 months July 07, 2004, birthday ko yun, nung bumili ako ng PC at nagpakabit ng post-paid na landline. Solve na ako, kampante na kami sa bahay. At long last nakita na rin ni Allan ang mga bata. After less than a month si Allan naman ang may PC at Internet connection na sa bahay.
Almost everyday or every other day kaming nagchachat. Kilala na ni Icko si allan…Yehey………Pagtinanong mo sa bunso ko “Koy nasaan si Papa?”, aba mabilis pa sa alas-singko ituturo nya yung monitor nang PC namin. Pagnasa ibang bahay naman kami at tinanong si Icko kung nasaan si Papa nya, maghahanap yan ng monitor sa paligid at pag walang nakita ituturo ang TV ng maybahay. Yun ang concepto nya ng koneksyon ng Papa nya at ng Computer monitor.
Parang artista si Allan. Kaya eto na ang naging problema nuong dumating si Allan, nag-ahit na sya, eh ang nakikita ni Koy sa PC ay yung may bigoteng mama. Kaya nung dumating si Allan sa Pinas para for his first ever vacation di sya kilala ng anak nya. Pag tinatanong kung nasaan si Papa consistent sya na nasa monitor pa rin daw ng PC. Good thing nung second at third vacation nya recently eh kilalang kilala na sya n icko, pagdating pa lang ni allan ay “papam” na agad ang bunso ko at di sila mapaghiwalay 2.
Email, chat, chikka at tawag sa telepono. Marinig lang namin ang boses ng isa’t isa ay sobrang saya na namin.
Mahalaga ang communication lalo na sa mga Pamilyang gaya namin….
May kwento nga tungkol sa isang OFW nuong late 70s at early 80s. Nabuntis daw si Nene, 3rd Year College sa kursong Education. Syempre si Aling Tinay dapat sabihin ito kay Mang Poncio sa Saudi. Si Mang Poncio na Construction Worker na ng mahigit 7 taon sa lupa ng mga langis. Bili agad si Aling Tinay ng bala ng tape at nagtape na ng mga pangangamusta sa Side A at syempre sintemyento nya sa Side B dun nya siniwalat na buntis si Nene 5 months na. Nilakip ni Aling Tinay sa sulat nya yung Tape na shocking ang dalang balita. Takot na takot sa reaction ni Mang Poncio sila Nene at Aling Tinay. Makalipas ang 5 buwan, pumunta ang kapit-bahay nila sa bahay nila Aling Tinay. “Aling Tinay, punta po kayo sa bahay, tatawag daw po asawa nyo after 5 minutes”. At pagkasagot sagot sa telepono eh ito ang banat ti Mang Poncio ”
P@#$%%Ina @#, bakit buntis si Nene, di nyo ba alam ang hirap ko dito sa Saudi..blah,blah,blah. Oh ano Tinay mageksplika ka“. Kung magbibilang ka bago nakarating kay Mang Poncio ang balita na buntis na si Nene ay nanganak na pala ang anak nya. At isang buwan na ang kanyang apong si Poncie.Hay naku…salamat sa teknolohiya!!!
At ngayon allow me to rant, grabe na ito for someone na parte na ang buhay ng Internet dahil ga Pamilyang OFW ako at ang aking hanapbuhay at Online Based, damang dama ko ang lumbay sa bagal ng conection ano ito back to primitive. Backgrounder: sa Loma de Gato, Marilao, Bulacan ako nakatira, naka Globe Wimax ako, then all of sudden I was informed na hindi na daw kasama sa scope ngWimax ang aming area. Then umasa ako na sa Globe LTE ay makaka 3MBPS ako, tapos huhuhu kanina tumawag ang Globe Customer Service, sabi di daw kasama sa coverage ng LTE ang area namin, ano ba naman ito back to Jurassic. grabe na ito, imbis na mag improve nag deteriorate. Only in the Philippines, anyareh Globe???
Kaya bukas lalarga na naman ako at maghahanap ng solusyon, hindi pwedeng walang connection hindi pwedeng gapang na connection, kaya bukas magbabakasali ako sa PLDT Ultera LTE at sa Smart LTE. BTW gamit ko ngayon ay prepaiod SMartBro 4G na hindi kayang makipoag chat sa aking OFW husband, Hindi kayang mag open ng mga video at pictures, Opo ganun ka Jurassic.
SO peeps wish me luck..